Cavite, walang naitalang bagong kaso ng COVID-19

By Angellic Jordan January 04, 2021 - 07:40 PM

Walang bagong naitalang kaso ng COVID-19 sa Cavite sa araw ng Linggo, January 3.

Ayon kay Governor Jonvic Remulla, ito ang kauna-unahang pagkakataon na walang bagong COVID-19 case sa lalawigan simula nang ipatupad ang ECQ noong Marso 2020.

Gayunman, hindi pa aniya dapat magdiwang ang mga taga-Cavite.

“Despite the relative flattening of the curve, malayo pa rin tayo sa kaligtasan at tagumpay,” pahayag ni Remulla.

“Inaasahan natin na dahil sa nakaraang pagdagsa ng mga tao sa mga malls, including Christmas gatherings, inuman ng mga barkada at iba pang holiday celebration ay maaaring dumami muli ang kaso ng COVID positive simula January 10-14,” dagdag pa nito.

Dahil dito, nagpaalala ang gobernador na huwag pa ring kalimutan ang pag-iingat laban sa nakakahawang sakit.

TAGS: breaking news, COVID-19 cases in Cavite, COVID-19 deaths in Cavite, COVID-19 Inquirer, COVID-19 pandemic, COVID-19 recoveries in Cavite, COVID-19 update, Gov. Jonvic Remulla, Inquirer News, latest news on COVID-19, Radyo Inquirer news, breaking news, COVID-19 cases in Cavite, COVID-19 deaths in Cavite, COVID-19 Inquirer, COVID-19 pandemic, COVID-19 recoveries in Cavite, COVID-19 update, Gov. Jonvic Remulla, Inquirer News, latest news on COVID-19, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.