Yellow rainfall warning nakataas sa Davao Oriental, Agusan del Sur

Nakataas ang heavy rainfall warning sa dalawang lalawigan sa Mindanao.

Sa abiso ng PAGASA bandang 6:20 ng gabi, ito ay bunsod ng umiiral na Intertropical Convergence Zone (ITCZ).

Nakataas ang yellow rainfall warning sa Davao Oriental at Agusan del Sur.

Dahil dito, posibleng makaranas ng pagbaha sa mabababang lugar at pagguho ng lupa sa mabubundok na lugar.

Samantala, mararanasan naman ang katamtaman hanggang mabigat na pag-ulan sa Sulu, Davao Occidental, Davao de Oro, Maguindanao, Cotabato City, Sarangani, North Cotabato, Davao del Norte, Davao City, Davao del Sur, Sultan Kudarat, Bukidnon, Surigao del Sur, Agusan del Norte (LasNieves, Buenavista) at iba pang bayan.

Iiral naman ang mahinang pag-ulan sa ilang parte ng South Cotabato, Lanao del Sur, Tawi-tawi, Misamis Oriental, at iba pang kalapit na lugar.

Inabisuhan ang mga residente sa mga nabanggit na lugar na maging maingat at maging alerto sa lagay ng panahon.

Read more...