China Telecom, tinanggal ng NYSE sa listahan dahil sa pagkakasangkot sa Chinese military

January 04, 2021 - 07:16 PM

Sinimulan na ng New York Stock Exchange (NYSE) ang delisting proceedings laban sa China Telecom Corp Ltd. dahil sa pagkakaroon umano nito ng ugnayan sa Chinese military.

Nauna rito ay ibinunyag ng United States Federal Communications Commission na ang China Telecom ay pag-aari ng Chinese government at kontrolado ng China’s Communist Party ang kompanya.

Bunga nito, ang China Telecom ay suspendido sa trading sa pagitan ng Enero 7 at Enero 11.

Ang China Telecom, na may 40 percent stake sa Dito Telecommunity, ang third telco player sa Filipinas, ay isa sa Big Three providers sa China, na nag-aalok ng wireline mobile telecommunications at internet access, ayon sa isang U.S. Senate report na ipinalabas noong Hunyo.

Ayon sa report, ang kompanya ay nagseserbisyo sa mahigit 335 million subscribers sa buong mundo hanggang noong Disyembre 2019 at sinasabing pinakamalaking fixed-line at broadband operator sa buong mundo.

Sinabi ni FCC Chairman Ajit Pai na bukod sa ownership issue, iginiit ng security agencies na hindi sumunod ang China Telecom sa cybersecurity at privacy laws, at nagbibihgay ng pagkakataon sa Chinese state-sponsored economic espionage at disruption sa U.S. communications traffic.

Noong nakaraang taon ay ipinagbawal ng FCC ang paggamit ng U.S. subsidies sa pagbili ng communications equipment mula sa ZTE Corp. at sa isa pang China-controlled telco. Kapwa pinabulaanan ng dalawang kompanya ang alegasyon ng commission na banta sila sa seguridad.

Magmula noon ay tinawag ng Kongreso at ng iba pang ahensiya ang Chinese companies na banta, “so today, we establish ‘rip and replace’ rules” covering equipment removal,” sabi ni Pai.

Ang China Telecom ay may hiwalay na listings sa Hong Kong.

Nilagdaan ni U.S. President Donald Trump ang isang kautusan noong Nobyembre na nagbabawal sa American investments sa Chinese firms na pag-aari o kontrolado ng militar.

Ang mga U.S. investor ay pinagbawalang bumili at magbenta ng shares sa listahan ng Chinese companies na, ayon sa Pentagon, ay may koneksiyon sa militar.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.