Business One Stop Shop sa Pasig City Hall, umarangkada na

By Angellic Jordan January 04, 2021 - 06:32 PM

Photo credit: Mayor Vico Sotto/Facebook

Umarangkada na sa unang araw ng operasyon ang Business One Stop Shop (BOSS) sa Pasig City Hall.

Ayon kay Mayor Vico Sotto, ginawa ito sa Mega Parking 2 dahil ito aniya ang pinakamaluwag na venue na mayroong ventilation.

Sinabi ng alkalde na makatutulong ang Business One Stop Shop upang mapalapit ang serbisyo sa mga business-owner, mapagbuti ang Ease of Doing Business at mabawasan ang Red Tape.

Hinikayat ni Sotto ang business-owners na magbayad na habang maaga pa upang hindi magkasabay-sabay ng pagpunta.

“Noong nakaraang mga taon, halos lahat sa last week of payment nagbabayad. Mawawalan ng social distancing at delikado kung ganun pa rin ang gagawin niyo ngayong taon,” pahayag ng alkalde.

Samantala, sinabi rin nito na hindi na kailangang pumunta sa Barangay Hall para sa barangay clearance.

“Situations these days are never ideal, but we will keep doing our best to improve our services for our fellow Pasigueños. Thank you to our hardworking LGU staff who planned and implemented this,” ani Sotto.

Photo credit: Mayor Vico Sotto/Facebook

 

TAGS: B.O.S.S. sa Pasig City Hall., Inquirer News, one stop shop, Pasig LGU, Radyo Inquirer news, Vico Sotto, B.O.S.S. sa Pasig City Hall., Inquirer News, one stop shop, Pasig LGU, Radyo Inquirer news, Vico Sotto

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.