Thailand, matatanggap na ang unang 200,000 Sinovac vaccines sa Pebrero
Matatanggap na ng Thailand ang unang 200,000 bakuna laban sa COVID-19 mula sa Sinovac Biotech.
Ayon kay Prime Minister Prayuth Chan-ocha, asahang darating sa kanila ang 200,000 doses ng bakuna sa Pebrero.
Nasa dalawang milyong doses ng Sinovac ang in-order ng Thailand.
Sinabi naman ni Supakit Sirilak, Director-General nf Medical Science Department, na darating ang karagdagang 800,000 dose nito sa Marso at isang milyon sa Abril.
Maliban dito, pumirma na aniya ang Thailand ng kasunduan noong Nobyembre para sa 26 milyong doses ng AstraZeneca vaccine.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.