46 pang kaso ng COVID-19, naitala sa Maynila

Karagdagang 46 kaso ng COVID-19 ang naitala sa Lungsod ng Maynila.

Batay sa MEOC COVID-19 monitoring hanggang 12:00, Lunes ng tanghali (January 4), sumampa na sa 25,030 ang bilang ng tinamaan ng nakakahawang sakit sa lungsod.

Sa nasabing bilang, 324 ang aktibong kaso.

Naitala ang pinakamataas na bilang ng active COVID-19 case sa Sampaloc na may 57 active cases.

Sumunod dito ang Malate na may 52 na aktibong kaso ng nakakahawang sakit.

Samantala, dalawa naman ang itinuturing na probable cases sa lungsod at 30 ang suspected cases.

Umabot naman sa 23,953 ang naka-recover mula sa sakit sa Maynila habang 753 na ang nasawi dahil sa COVID-19 pandemic.

Read more...