Apat na sakay ng nagkaaberyang bangka sa Calayan, Cagayan nailigtas ng PCG
Nailigtas ang apat na crew member ng isang bangka sa karagatang sakop ng Calayan, Cagayan.
Isinagawa ng joint search and rescue (SAR) team ng Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine National Police (PNP) ang operasyon sa bahagi ng Barangay Poblacion at Barangay Magsidel noong December 30, 2020.
Ayon sa kapitan ng bangka, nakaranas sila ng engine trouble habang patungo sana sa Sitio Kataruman mula sa Barangay Magsidel.
Isa sa mga crew member ang nakipag-ugnayan sa isang residente upang humingi ng rescue assistance mula sa Coast Guard Sub-Station sa Calayan.
Natagpuan ng joint SAR team ang bangka sa parte ng dagat sa bisinidad ng Barangay Magsidel.
Nasira naman ang bangka dahil sa lakas ng hampas ng malalaking alon.
Pagdating sa Barangay Poblacion, agad dinala ang mga crew member sa Calayan Hospital upang mabigyan ng tulong-medikal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.