BREAKING: Mga tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, nasa 478,761 na; Halos 1,000 ang nadagdag
Hindi lalagpas sa 1,000 ang panibagong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Lunes (January 4), umabot na sa 478,761 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 21,219 o 4.4 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 959 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
81.7 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 7.9 porsyento ang asymptomatic; 0.57 porsyento ang moderate; 3.4 porsyento ang severe habang 6.4 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa anim naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 9,263 o 1.93 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 26 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 448,279 o 93.6 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.