NCR at ilang lalawigan sa Luzon, patuloy na uulanin

By Angellic Jordan January 03, 2021 - 01:09 PM

Asahang makararanas ng pag-ulan ang Metro Manila at ilang lalawigan sa Luzon.

Batay sa thunderstorm advisory dakong 11:00 ng umaga, katamtaman hanggang malakas na buhos ng ulan ang iiral sa Bataan, Nueva Ecija, Pampanga at Bulacan.

Mahina hanggang sa katamtaman na kung minsan ay malakas na pag-ulan naman ang mararanasan sa Metro Manila, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon.

Ayon sa weather bureau, iiral ang nasabing lagay ng panahon sa susunod na dalawang oras.

Inabisuhan naman ang publiko na mag-ingat at antabayan ang susunod na update ukol sa lagay ng panahon.

TAGS: breaking news, Inquirer News, Pagasa, Radyo Inquirer news, thunderstorm advisory, weather update January 3, breaking news, Inquirer News, Pagasa, Radyo Inquirer news, thunderstorm advisory, weather update January 3

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.