Bilang ng kaso ng COVID-19 sa mundo, pumalo na sa 84.97 milyon

Umabot na sa mahigit 84.97 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 84,979,166 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 20,904,701 cases.

Sumunod na rito ang India na may 10,324,631 na nagpositibo sa pandemiya.

Nasa 7,716,405 naman ang kaso sa Brazil habang 3,212,637 ang napaulat na kaso sa Russia.

Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– France – 2,643,239
– United Kingdom – 2,599,789
– Turkey – 2,232,035
– Italy – 2,141,201
– Spain – 1,936,718
– Germany –  1,771,017
– Colombia – 1,666,408
– Argentina – 1,634,834
– Mexico – 1,443,544
– Poland – 1,312,780
– Iran – 1,237,474

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 1,843,429 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.

Nasa 60,095,869 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...