Comelec hindi na bibili ng mga lalagyan ng resibo sa eleksyon

Bautista vcm
Inquirer file photo

Hindi na itutuloy ng Commission on Elections (Comelec) ang pagbili ng mahigit 93,000 voter receipt receptacles na gagamitin sa May 9 national elections.

Dahil dito, sinabi ni Comelec Chairman Andres Bautista na makatitipid ang poll body ng mahigit P27 Million.

Matatandaang noong nakaraang linggo lamang, binuksan ng Comelec ang public bidding process para sa voter receipt receptacles na nagkakahalaga ng P300 kada isa.

Ayon kay Bautista, gagamit na lamang ang Comelec ng mga black corrugated boxes na ginamit sa shipping ng mga balota.

Ang Comelec ay naglaan naman ng P12 Million bilang pambili sa 100,000 na mga gunting na gagamitin sa pagputol ng mga resibong gagamitin sa eleksyon.

Sa pagsasara ng voting period, ang mga receptacles ay lalagyan ng selyo at lalagdaan ng board of election inspectors at ilalagay sa loob ng ballot boxes.

Read more...