Police security detail ng mga pulitiko hindi utusan ayon sa PNP

By Ruel Perez March 30, 2016 - 08:11 PM

philippine-national-police-assembly-march
PNP

Mahigpit na ipinagbabawal sa mga kandidato at mga indibidwal na tratuhing “muchacho” o utusan ang mga Police Ssecurity and Protection Group (PSPG) personnel na maitatalaga sa kanila bilang security detail ngayong eleksyon.

Ayon kay PNP-PSPG spokesman Supt. Rogelio Simon, hindi dapat gawin errand boys, utusan, taga-pamalengke at taga bitbit ng mga dala-dalahan ng mga kandidato ang mga pulis.

Kaugnay nito, sa bahagi naman ng PSPG, mahigpit din ang tagubilin ng PNP sa pagsusuot ng proper uniform habang naka duty.

Maliban dito, hindi rin pwedeng tumanggap ng bayad o kung anumang na maituturing na konsiderasyon o hiwalay na bayad sa mga kandidato at opisyal dahil mayroon umanong sariling sweldo ang mga PSPG personnel at hindi kinakailangan pa ng dagdag na bayad mula sa pulitiko o VIP.

Sa kasalukuyan ay umaabot sa 169 na mga pulitiko at pribadong indibiduwal ang nabigay ng security detail ng PSPG.

TAGS: election, PNP, PSPG, Security detail, election, PNP, PSPG, Security detail

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.