Hari at Crown Prince ng Bahrain, inimbitahan ni Pangulong Duterte na bumisita sa Pilipinas
Inimbitahan ni Pangulong Rodrigo Duterte sina King Hamad bin Isa Al Khalifa at Crown Prince at Prime Minister Prince Salman bin Hamad Al Khalifa na bumisita sa Pilipinas.
Naiabot ni Presidential Assistant on Foreign Affairs Robert Borje ang liham para sa imbitasyon kasabay ng official visit nito sa naturang bansa noong December 31, 2020.
Ayon sa Palasyo ng Malakanyang, welcome naman sa Crown Prince at Prime Minister ang imbitasyon ng Pangulo.
Sa naturang liham, ipinarating ng Pangulo ang commitment ng gobyerno ng Pilipinas upang mapalawak pa ang kooperasyon sa Bahrain.
Sinabi ni Borje na kabilang sa areas of interest ang trade and investment, kooperasyon sa edukasyon, human resource development, public health, Islamic banking and financial technology.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.