Bilang ng train sets na tumatakbo sa MRT-3, umabot na sa 22

Nadagdagan pa ang bilang ng train sets na tumatakbo sa linya ng Metro Rail Transit 3 (MRT-3).

Ayon sa pamunuan ng MRT-3, nakakapag-operate na sila ng 22 train sets.

Naisagawa ito sa araw ng Sabado, January 2.

Kabilang sa na-operate sa linya ng MRT-3 ang 20 CKD train sets at dalawang Dalian train sets.

Kasunod nito, ang deployment ng train sets ay makakatulong para mabawasan ang waiting interval sa pagitan ng mga tren.

Maliban dito, inaasahang tataasan din ang passenger capacity ng MRT-3.

Read more...