BREAKING: Bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa bansa umabot na sa 474,064 – DOH

Tumaas pa ang bilang ng mga tinamaan ng coronavirus disease o COVID-19 sa bansa.

Ayon sa huling datos ng Department of Health (DOH), 1,541 ang bagong naitalang kaso ngayong araw ng Huwebes (December 31) kaya umabot na sa 474,064 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng virus sa bansa.

296 naman ang bagong naitalang gumaling o naka-recover na sa COVID-19 sa bansa kaya umabot na ito sa 439,796.

Ang bilang naman ng nasawi ay nadagdagan ng 14 kaya umabot na ito sa 9,244.

Narito naman ang ilang mga probinsya at siyudad na may mataas na naitalang kaso ngayong araw:
Quezon City – 101
Baguio City – 79
Manila – 67
Rizal 65
Davao City – 59

Paalala naman ng DOH ngayong ipinagdiriwang natin ang Pasko ay dapat limitahan lamang sa immediate family members ang mga pagtitipon, masusustansyang pagkain din ang ihain at laging tandaan ang pagsusuot ng face mask at face shield sa paglabas at iwasan din ang pakikihalubilo sa maraming tao.

Read more...