Ilang bayan sa Quezon nakararanas ng pag-ulan

By Dona Dominguez-Cargullo December 31, 2020 - 11:11 AM

Nakararanas ng pag-ulan sa ilang mga bayan sa lalawigan ng Quezon dahil sa epekto ng tail end of a frontal system.

Ayon sa inilabas na rainfall advisory ng mahina hanggang sa katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan ang nararanasan sa sumusunod na mga bayan:

– Guinayangan
– Tagkawayan
– Calauag
– Buenavista
– San Narciso
– San Andres
– San Francisco
– Mulanay
– Catanauan
– Lopez
– Macalelon
– General Luna

Ayon sa PAGASA maaring makaranas ng pagbaha sa mabababang lugar at landside sa bulubunduking lugar.

Pinayuhan ng PAGASA ang mga residente na mag-antabay sa susunod na abiso ng weather bureau.

 

 

TAGS: Pagasa, Quezon, rainfall advisory\], weather, Pagasa, Quezon, rainfall advisory\], weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.