Aplikasyon ng Pfizer para sa Emergency Use Authorization ng COVID-19 vaccine maaring maaprubahan sa Enero – FDA

Posibleng aprubahan na ng Food and Drug Administration (FDA) bago matapos ang buwan ng Enero ang aplikasyon ng Pfizer para sa Emergency Use Authorization (EUA) ng kanilang COVID-19 vaccine.

Sa isang panayam sinabi ni FDA director-general Eric Domingo, aabutin ng dalawang linggo ang evaluation sa aplikasyon.

Natanggap umano nila ito bago mag-Pasko.

Ani Domingo, mayroong hanggang unang linggo ng Enero ang mga evaluators at pagkatapos ay isasagawa ang consolidation sa report bago mailabas ang otorisasyon.

 

 

 

Read more...