Robredo: Hindi tayo kinayang pasukuin ng 2020

By Dona Dominguez-Cargullo December 31, 2020 - 09:42 AM

Sa kabila ng mga napakaraming pagsubok na pinagdaanan ng bansa sa taong 2020, sinabi ni Vice President Leni Robredo na hindi sumuko ang mga Pinoy.

Sa kaniyang mensahe ngayong Bagong Taon, sinabi ni Robredo na matitinding pagsubok ang naranasan ng bansa bunsod ng sunud-sunod na mga sakuna at kalamidad.

Sa kabila nito, muling napatunayan na “walang Pilipinong nag-iisa”.

“Gaya ng paulit-ulit na nating pinatunayan sa mga nagdaang taon: Walang Pilipinong nag-iisa. At dahil nasa isa’t isa ang ating lakas, nandito pa rin tayo; hindi tayo kinayang pasukuin ng 2020,” ayon kay Robredo.

Sa pagsalubong sa Bagong Taon sinabi ni Robredo na magiging mas malalim ang pagdiriwang at mas maluwang ang pahinga sa pagsasara ng taong 2020.

Paalala ng bise presidente, sa pagpapalit ng kalendaryo ay hindi pa mawawala ang virus.

Dahil dito, hinikayat niya ang bawat isa na patuloy na mag-ingat at sumunod sa health protocols.

 

 

 

 

TAGS: 2021, Bagong Taon, New Year, New year message, Vice President Leni Robredo, 2021, Bagong Taon, New Year, New year message, Vice President Leni Robredo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.