UK at Brazil kapwa nakapagtala ng mahigit 50,000 kaso ng COVID-19 sa magdamag

By Dona Dominguez-Cargullo December 31, 2020 - 09:11 AM

Kapwa nakapagtala ng mahigit 50,000 bagong kaso ng COVID-19 sa magdamag ang United Kingdom at Brazil.

Mahigit 55,000 ang bagong kasong naitala sa Brazil dahilan para umabot na sa 7,619,970 ang total confirmed cases ng sakit sa nasabing bansa.

Nakapagtala din ng mahigit 1,200 pumanaw sa Brazil kaya umabot na sa mahigit 193,900 ang death toll nito.

6.7 million na ang gumaling sa COVID-19 sa Brazil at 718,000 pa ang active cases nito.

Samantala, nakapagtala naman ng mahigit 50,000 na bagong kaso ng COVID-19 sa United Kingdom sa magdamag.

Umabot na sa 2,432,888 ang kabuuag kaso ng sakit sa nasabing bansa.

Nakapagtala naman ng mahigit 900 na bagong bilang ng nasawi sa UK sa magdamag.

Ang death toll sa UK ay mahigit 72,000 na.

 

 

TAGS: Brazil, covid 19 new cases, covid cases, united kingdom, Brazil, covid 19 new cases, covid cases, united kingdom

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.