Red heavy rainfall warning itinaas ng PAGASA sa Palawan at Camarines Norte

By Dona Dominguez-Cargullo December 31, 2020 - 08:42 AM

Itinaas na ng PAGASA ang red heavy rainfall warning sa Palawan at sa Camarines Norte.

Nangangahulugan ito ayon sa PAGASA na matinding buhos ng ulan ang nararanasan sa nasabing mga lugar na magpapatuloy sa susunod na mga oras.

Sa inilabas na rainfall warning alas 8:00 ng umaga ngayong Huwebes, Dec. 31, red warning level na ang nakataas sa Kalayaan Islands sa Palawan dahil sa pag-ulang dulot ng Tail-End of a Frontal System.

Ayon naman sa National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC, alas 8:30 ng umaga ay red warning level na din ang nakataas sa Camarines Norte.

Balala ng PAGASA, maaring makaranas ng pagbaha at pagguho ng lupa bunsod ng nararanasang malakas at patuloy na pag-ulan.

 

 

 

TAGS: amihan, Camarines Norte, NDRRMC, Pagasa, Palawan, red rainfall warning, Tail-end of a frontal system, weather, amihan, Camarines Norte, NDRRMC, Pagasa, Palawan, red rainfall warning, Tail-end of a frontal system, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.