Niyanig ng magnitude 3.4 na lindol ang lalawigan ng Davao Occidental.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 11 kilometers southwest ng bayan ng Sarangani, alas-7:03 umaga ng Huwebes (December 31).
May lalim na 17 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.
Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks bunsod ng pagyanig.
Nauna nang naitala ang sumusunod na pagyanig sa lugar:
Magnitude 3.1, 1:39AM
Magnitude 3.3, 5:03AM
Magnitude 3.3, 6:35AM
Ang lindol ay aftershock ng magnitude 6.2 na pagyanig noong December 16.
MOST READ
LATEST STORIES