Maraming bayan sa Cagayan at Apayao inuulan dahil sa Amihan at Tail – End of a Frontal System
Nakararanas ng pag-ulan sa maraming bayan sa lalawigan ng Cagayan at Apayao.
Epekto ito ng Amihan at Tail – End of Frontal System.
Sa inilabas na rainfall advisory ng PAGASA alas 6:52 ng umaga ngayong Huwebes, December 31 mahina hanggang katamatamang pag-ulan ang nararanasan sa sumusunod na mga bayan:
APAYAO
– Flora
– Luna
– Pudtol
– Santa Marcela
CAGAYAN
– Abulug
– Allacapan
– Aparri
– Ballesteros
– Buguey
– Camalanuigan
– Claveria
– Gonzaga
– Pamplona
– Eastern Peñablanca
– Santa Ana
– Santa Teresita
– Santa Praxedes
– Sanchez Mira
Kahapon ilang mga bayan na sa Cagayan ang binaha dahil sa naranasang mga pag-ulan
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.