Hindi otorisadong paggamit ng bakuna laban sa COVID-19 pinaiimbestigahan ng DOJ

By Dona Dominguez-Cargullo December 31, 2020 - 07:08 AM

Pinaiimbestigahan na ng Department of Justice (DOJ) ang paggamit ng Presidential Security Group ng hindi rehistradong COVID-19 vaccine.

Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, maaring may mga batas na nalabag sa pag-administer ng bakuna.

Inatasan ni Guevarra ang National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang paggamit ng bakunang Sinopharm at kung paano ito naipasok sa Pilipinas.

Una nang sinabi ng Food and Drug Administration (FDA) na wala pa itong inaaprubahang anumang bakuna kontra COVID-19 para magamit sa bansa.

Ayon kay Guevarra, ang utos niya sa NBI ay “general” at hindi layong idiin ang PSG.

 

 

TAGS: covid vaccine, DOJ, NBI, PSG, covid vaccine, DOJ, NBI, PSG

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.