Apela ni dating Sen. JV Ejercito sa PhilHealth: suspendihin muna ang pagpapatupad ng mas mataas na kontribusyon

By Dona Dominguez-Cargullo December 31, 2020 - 06:38 AM

Umapela si dating Senador JV Ejercito sa PhilHealth na ipagpaliban muna ang pagpapatupad ng mas mataas na buwanang kontribusyon ng kanilang mga miyembro.

Ayon kay Ejercito na siyang pangunahing author ng Universal Healthcare Law, hindi pa tapos ang problema ng bansa sa pandemya lalo pa at may mga ipinatupad na bagong lockdown orders ang iba’t ibang mga bansa dahil sa bagong strain ng COVID-19.

“The new lockdown orders in other countries due to new strains of virus is a proof that the pandemic is not yet over. As such, the economic struggle of the people continues,” ayon sa dating senador.

Sinabi ni Ejercito na magiging dagdag pahirap sa publiko ang dagdag na bayarin sa kontribusyon.

Mas mainam aniyang hayaan na munang maka-recover ang lahat sa epekto ng pandemya.

“The last thing our people would need is another burden. Let the people and businesses recover from pandemic and resolve the allegation of corruptions surrounding your agency. Together, we shall overcome,” ayon pa kay Ejercito.

Sinabi ng dating senador na nang maipasa ang Universal Healthcare Law, wala namang nakakaalam na may pandemyang tatama sa buong mundo.

 

 

TAGS: JV Ejercito, PhilHealth contributions, Universal Healthcare Law, JV Ejercito, PhilHealth contributions, Universal Healthcare Law

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.