Biyahe ng MRT-3 ngayong bisperas ng Bagong Taon

By Dona Dominguez-Cargullo December 31, 2020 - 06:06 AM

Mas maaga kaysa regular na schedule ang last commercial train ng MRT-3 ngayong araw, Dec. 31 na Bisperas ng Bagong Taon.

Sa abiso ng MRT-3, 7:45 ng gabi ang last train na galing ng North Avenue Station habang 8:25 ng gabi naman ang last train galing Taft Avenue Station ngayong araw.

Ito ay para mabigyang pagkakataon din ang kanilang mga personnel na makabiyahe pauwi at magdiwang ng Bagong Taon kasama ang mga mahal sa buhay.

Bukas naman, Bagong Taon, January 1 ay mas late na ang unang biyahe ng mga tren ng MRT-3.

Alas 6:30 ng umaga ang alis ng first train sa North Avenue Station at Taft Avenue Station.

9:30 ng gabi naman ang last train mula North Avenue at 10:10 ng gabi ang last train galing Taft Avenue.

 

 

 

TAGS: December 31, DOTrPH, last commercial train, mrt-3, railwaysph, transportation, December 31, DOTrPH, last commercial train, mrt-3, railwaysph, transportation

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.