California nakapagtala na din ng kaso ng bagong COVID-19 variant

May naitala na ding kaso ng bagong variant ng COVID-19 sa California.

Inanunsyo ito ni California Gov. Gavin Newsom sa joint press conference kasama si Dr. Anthony Fauci.

Ayon kay Newsom ang kaso ay na-detect sa Southern California.

Sinabi naman ini Fauci na maaring sa mga susunod na araw ay magkaroon na din ng kaso ng bagong COVID-19 variant sa iba pang estado lalo pa at mas mabilis itong makahawa.

Pero ayon kay Fauci, wala namang indikasyon na mas deadly ang bagong strain.

 

 

 

Read more...