PhilHealth nagpaliwanag kaugnay sa nakaambang pagtataas ng monthly contribution ng mga miyembro

By Dona Dominguez-Cargullo December 31, 2020 - 05:24 AM

Naglabas ng detalyadong paliwanag ang PhilHealth matapos ang batikos ng publiko sa nakaambang pagtataas ng monthly contribution.

Ayon sa PhilHealth, para sa taong 2021, ipatutupad ang adjustment sa contribution at income ceiling para masiguro ang sapat na pondo ng ahensya na inilalaan sa benepisyong medical ng 110 milyong miyembro nito.

Ang pagtass ng kontribusyon ayon sa PhilHealth ay batay din sa itinatakda ng RA 11223 o Universal Health Care Law.

Paliwanag ng PhilHealth mas marami naman ang magiging pakinabang ng kanilang mga miyembro sa ilalim ng UHC Law.

Apela ng PhilHealth sa publiko, pagtiwalaan ang bagong pamunuan ng ahensya para ipatupad ang mga reporma at baguhin ang sistema.

Tiniyak din ng PhilHealth na ang pinaghihirapang kontribusyon ng mga miyembro ay sa mga benepisyo mapupunta.

 

 

 

 

TAGS: Monthly Contributions, philhealth, Universal Healthcare Law, Monthly Contributions, philhealth, Universal Healthcare Law

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.