Ayon sa PAGASA, apektado na ngayon ng Amihan ang Northern at Central Luzon.
Sa weather forecast ng PAGASA ngayong December 31, Bisperas ng Bagong Taon, ang Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, at Visayas ay makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan dahil sa tail-end of of frontal system.
Maulap din ang papawirin at makararanas ng pag-ulan sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Aurora, Nueva Ecija, at Bulacan dahil naman sa Amihan.
Bahagyang maulap na papawirin naman ang mararanasan sa Ilocos Region at nalalabi pang bahagi ng Central Luzon.
Habang localized thunderstorms lamang ang iiral sa Mindanao.
Nakataaas naman ang gale warning sa mga baybaying dagat ng Northern at Central Luzon, eastern seaboard ng Southern Luzon, eastern seaboard ng Visayas at Western seaboard ng Southern Luzon.