Bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa Marikina 3,703 na

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa lungsod ng Marikina.

Base huling datos mula sa Marikina PIO facebook page (Miyerkules, December 30) pumalo na sa 3,703 ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa virus.

Sa nasabing bilang, 129 ang active cases.

Ang bilang naman ng COVID-19 related deaths sa lungsod ay 86 pa rin.

Ang bilang ng naka-recover o gumaling na sa sakit ay nasa 3,488 na.

 

Read more...