Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON pumalo na sa 68,506

December 31, 2020 - 04:55 AM

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.

Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Miyerkules (December 30, 3:00 PM) nakapagtala ng 45 na bagong kaso kaya pumalo na sa 68,506 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.

Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 17,838
Laguna – 18,216
Batangas – 11,584
Rizal – 14,730
Quezon – 6,138

Ang bilang ng active cases sa mga lalawigan ay 4,612.

Nasa 61,992 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 21 na bagong recoveries.

Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 16,330
Laguna – 16,917
Batangas – 10,800
Rizal – 12,953
Quezon – 4,992

Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan ng 1 kaya umabot na sa 1,902 ang bilang.

Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 500
Laguna – 411
Batangas – 341
Rizal – 475
Quezon – 175

Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:

1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay.

TAGS: calabarzon, coronavirus, COVID-19, Health, calabarzon, coronavirus, COVID-19, Health

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.