Bilang ng mga Filipino sa abroad na nagpositibo sa COVID-19 nasa 12,876 na – DFA

By Mary Rose Cabrales December 30, 2020 - 06:35 PM

Nadagdagan ang bilang ng mga Filipino na nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) (Miyerkules, December 30), nasa 12,876 na overseas Filipinos (OFs) pa rin ang kumpirmadong positibo sa COVID-19 sa 84 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 3,578 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

Ang bilang ng mga naka-recover o na-discharge na sa ospital ay nasa 8,387.

Ang bilang naman ng mga Pinoy abroad na pumanaw dahil sa COVID-19 ay nanatili sa 911.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na Filipino sa bahagi ng Middle East/Africa na may 7,658 na kaso.

Sumunod dito ang Asia Pacific Region na may 2,664 confirmed COVID-19 positive cases.

Nasa 1,772 naman kaso ang sa Europe at 782 sa Americas.

TAGS: coronavirus, COVID-19, DFA, Health, coronavirus, COVID-19, DFA, Health

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.