Buong lalawigan ng Sulu sasailalim sa lockdown simula sa January 4

By Dona Dominguez-Cargullo December 30, 2020 - 12:15 PM

Magpapatupad na ng lockdown sa buong lalawigan ng Sulu simula sa January 4 hanggang sa January 17 2021.

Ayon ito kay Sulu Governor Sakur Tan.

Sinabi ni Tan na maari pang mapalawig ang lockdown depende sa sitwasyon.

Una nang sinabi ni Tan na nais niyang maisailalim sa lockdown ang probinsya lalo pa at malapit sila sa Sabah, Malaysia na napaulat na mayroon nang kaso ng bagong variant ng COVID-19.

Habang nakasailalim sa lockdown ang buong Sulu, hindi muna tatanggap ng mga LSI, returning OFW, at returning residents.

Exempted dito ang mga frontliner.

 

 

 

TAGS: Breaking News in the Philippines, COVID-19 cases, COVID-19 variant, Inquirer News, lockdown, Philippine News, Radyo Inquirer, Sulu, Tagalog breaking news, tagalog news website, Breaking News in the Philippines, COVID-19 cases, COVID-19 variant, Inquirer News, lockdown, Philippine News, Radyo Inquirer, Sulu, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.