Obispo sa Nigeria dinukot ng mga armadong suspek
By Dona Dominguez-Cargullo December 30, 2020 - 12:04 PM
Umapela ng panalangin ang Simbahang Katolika sa Nigeria matapos mabiktima ng kidnapping ang isa nilang obispo.
Si Bishop Moses Chikwe ay dinukot ng mga armado sa Imo State.
Sa ulat ng CBCP News, si Chikwe ay auxiliary bishop ng Archdiocese of Owerri.
Ayon kay Fr. Zacharia Nyantiso Samjumi, hanggang sa ngayon ay wala silang komunikasyon sa mga salarin at hindi nila alam ang pakay ng mga ito.
Nagsasagawa na ang anti-kidnapping police unit ng Nigeria sa insidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.