Kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas, nadagdagan pa ng 205

Nadagdagan ng 205 pa ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.

Naitala ang mga bagong kaso mula sa 1,329 laboratory samples na sinuri ng EVRCTC, DWHVL at Ormoc Molecular Diagnostic Center.

Sa datos ng Department of Health (DOH) – Eastern Visayas hanggang 9:00, Miyerkules ng umaga (December 30), 11,147 na ang total confirmed COVID-19 cases sa rehiyon.

Sa nasabing bilang, 963 o 8.64 porsyento ang aktibong kaso.

34 residente naman ang gumaling pa sa nakakahawang sakit.

Bunsod nito, umabot na sa 10,059 o 90.24 porsyento ang total recoveries sa Eastern Visayas.

Sa ngayon ay umabot na sa 125 ang bilang ng nasawi sa rehiyon o katumbas ng 1.12 porsyento.

 

 

Read more...