Frontliners ngayong may pandemya inihalintulad ni Pangulong Duterte kay Dr. Jose Rizal, “lumalaban para sa mamamayan”

By Dona Dominguez-Cargullo December 30, 2020 - 10:38 AM

Nakiisa si Pangulong Rodrigo Duterte sa paggunita ngayong araw sa kabayanihan ng Pambansang Bayani na si Dr. Jose Rizal.

Sa kaniyang mensahe, sinabi ni ng pangulo na ginugunita ngayon ang katapangan at pagiging makabayan ni Rizal.

Ngayong lumalaban ang bansa pandemya ng COVID-19, inihalintulad ni Pangulong Duterte ang mga frontliner kay Dr. Jose Rizal.

Ayon sa pangulo, matatapang silang lumalaban para sa mamamayan.

Kinilala ng pangulo ang patuloy na pagsisilbi ng mga frontliner sa kabila ng panganib sa kanilang buhay.

Ayon sa pangulo kasama at patuloy na ipagdiriwang at kikilalanin ang kabayanihan ni Rizal at ng mga tinaguriang “modern-day horoes” ng bansa.

 

 

 

TAGS: Breaking News in the Philippines, December 30, Inquirer News, Philippine News, president duterte, Radyo Inquirer, Rizal Day Message, Tagalog breaking news, tagalog news website, Breaking News in the Philippines, December 30, Inquirer News, Philippine News, president duterte, Radyo Inquirer, Rizal Day Message, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.