24 bagong CCTVs naikabit na Cubao station ng MRT-3
Naikabit na ang pamunuan ng MRT-3 ng 24 na bagong closed-circuit television (CCTV) cameras sa iba’t ibang bahagi ng Cubao station.
Ang mga CCTV ay ginagamit upang mabantayan ang kaligtasan ng mga pasahero.
Gumagana ang mga ito ng 24 oras, at nakatutulong sa pagpapanatili ng kaayusan, at upang mapigilan at masugpo ang anumang klase ng krimen sa mga nasasakupang lugar ng MRT-3.
Matatandaang nakapagkabit na rin ng 59 na bagong CCTVs sa North Avenue station, Quezon Avenue station, at GMA-Kamuning station.
Ang paglalagay ng bagong CCTVs ay bahagi ng malawakang rehabilitasyon ng pamunuan ng MRT-3 sa buong linya nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.