Pekeng FB account ni PNP chief Debold Sinas nangikil ng pera sa isang biyuda ng pulis

By Dona Dominguez-Cargullo December 30, 2020 - 09:27 AM

Nagbabala ang Philippine National Police (PNP) sa pekeng Facebook account ni PNP  chief Gen. Debold Sinas na ginagamit para mangikil ng pera.

Naglabas ng screenshots ang PNP ng pekeng FB account, kasama ang pakikipag-usap ng nagpapanggap na PNP sa isang ginang na namatayan ng pulis na asawa.

Humihingi ng tulong ang ginang para mai-release na ang pensyon at death claims para sa nasawi niyang mister.

Sa nasabing pag-uusap sinabi ng nagpapanggap na “Sinas” na tutulungan niya ang ginang pero dapat ayusin niya o bigyan ng pera ang mag-aayos ng kaniyang concern.

Ayon sa PNP, nakipag-ugnayan na sila sa computer forensics para mahanap ang nasa likod ng pekeng account at makasuhan ito ng paglabag sa Anti-Cybercrime Act.

Pinayuhan din ang mga netizen na maging maingat sa paggamit at pagpapadala ng mensahe sa social media.

 

 

 

TAGS: Breaking News in the Philippines, debold sinas, fake fb account, Inquirer News, Philippine News, PNP, PNP chief, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Breaking News in the Philippines, debold sinas, fake fb account, Inquirer News, Philippine News, PNP, PNP chief, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.