Kaso ng COVID-19 sa US nadagdagan ng mahigit 177,000 pa; mahigit 3,200 pa ang nasawi

Umabot na sa lagpas 19.9 million ang kaso ng COVID-19 sa Estados Unidos.

Sa magdamag ay nadagdagan pa ng mahigit 177,000 ang mga kaso ng COVID-19 sa US.

Dahil dito, umabot na sa 19,958,726 ang kabuang kaso ng COVID-19 sa nasabing bansa.

Mahigit 11.8 million na ang gumaling sa COVID-19 sa US at mayroon pa itong mahigit 7.7 million pang active cases.

Samantala, mayroong naitalang dagdag na mahigit 3,200 pang pumanaw sa US dahil sa COVID-19.

Ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa naturang bansa ay 346,424 na.

 

 

 

Read more...