Bilang ng mga nakarecover sa Muntinlupa City nasa 4,889 na

By Mary Rose Cabrales December 30, 2020 - 04:20 AM

Nadagdagan ang bilang ng mga naka-recover sa coronavirus disease o COVID-19 sa lungsod ng Muntinlupa.

Batay sa datos ng Muntinlupa City government (Martes, December 29) nasa 4,889 ang bilang ng mga gumaling o naka-recover na sa COVID-19.

Ang bilang ng active cases sa lungsod ay 36.

Ang bilang naman ng nasawi sa virus ay nadagdagan ng isa kaya ito ay umabot na sa 166.

Ang kabuuang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa lungsod ay 5,091.

Samantala ang bilang ng probable ay 169 habang 23 naman ang suspected.

TAGS: coronavirus, COVID-19, Health, Muntinlupa, coronavirus, COVID-19, Health, Muntinlupa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.