Bagong variant ng COVID-19 natuklasan sa Colorado
By Dona Dominguez-Cargullo December 30, 2020 - 06:17 AM
Nakapagtala ng kaso ng bagong variant ng COVID-19 sa Estados Unidos.
Nakumpirma ang pagkakaroon ng kaso ng highly infectious coronavirus variant sa Colorado.
Kinumpirma ito ni Colorado Governor Jared Polis.
Ayon kay Polis, isang pasyente ang tinamaan ng COVID-19 variant B.1.1.7, ang parehong klase ng sakit na unang nadiskubre sa UK.
Ang pasyente ay isang lalaki na edad 20 anyos at walang travel history.
Nagpapagaling na ito sa isolation area sa Elbert County.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.