Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON pumalo na sa 68,461

By Mary Rose Cabrales December 30, 2020 - 04:45 AM


Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.

Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Martes (December 29, 3:00 PM) nakapagtala ng 187 na bagong kaso kaya pumalo na sa 68,461 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.

Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 17,825
Laguna – 18,203
Batangas – 11,565
Rizal – 14,730
Quezon – 6,138

Ang bilang ng active cases sa mga lalawigan ay 4,589.

Nasa 61,971 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 198 na bagong recoveries.

Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 16,330
Laguna – 16,904
Batangas – 10,792
Rizal – 12,953
Quezon – 4,992

Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan ng 5 kaya umabot na sa 1,901 ang bilang.

Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 500
Laguna – 411
Batangas – 340
Rizal – 475
Quezon – 175

Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:

1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay.

TAGS: calabarzon, coronavirus, COVID-19, Health, calabarzon, coronavirus, COVID-19, Health

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.