Bilang ng mga naka-recover sa COVID-19 sa lalawigan ng Rizal, umabot na sa 13,498

Tumaas pa ang bilang ng mga gumaling o naka-recover na sa coronavirus disease o COVID-19 sa lalawigan ng Rizal.

Base sa huling datos ng Provincial/City/Municipal Health Offices ng Rizal (Lunes, December 28), nadagdagan ng 91 ang bilang ng mga gumaling na sa COVID-19 sa lalawigan kaya umabot na ito sa 13,498.

Sa nasabing bilang 485 ang active cases.

Ang bilang naman ng mga nasawi sa COVID-19 sa lalawigan ay nadagdagan ng 2 kaya umaboot na ito sa 506.

Ang kabuuang bilang ng tinamaan ng virus sa lalawigan ay umabot na sa 14,489 na.

Read more...