Niyanig ng malalakas na lindol ang lalawigan ng Davao Occidental.
Ayon sa Phivolcs, unang naitala ang magnitude 3.8 na pagyanig sa 23 kilometers southwest ng bayan ng Sarangani, alas-12:45 umaga ng Miyerkules (December 30) at may lalim na 10 kilometers.
Sumunod na naitala ang magnitude 4.2 na lindol sa 66 kilometers southwest ng bayan pa rin ng Sarangani, ala-1:05 ng umaga at may lalim na 10 kilometers.
Naitala ang instrumental intensity 1 sa Kiamba & Alabel, Sarangani.
Magnitude 3.5 na pagyanig ang sumunod na naitala sa 46 kilometers southeast ng bayan pa rin ng Sarangani, ala-1:11 ng umaga at may lalim na 5 kilometers.
Naitala rin ang magnitude 3.4 na pagyanig sa 77 kilometers southwest ng bayan pa rin ng Sarangani, ala-1:18 ng umaga at may lalim na 1 kilometer.
At magnitude 3.1 na lindol naman ang naitala sa 33 kilometers southwest ng bayan pa rin ng Sarangani, alas-4:03 ng umaga at may lalim na 13 kilometers.
Tectonic ang origin ng mga pagyanig.
Walang naitalang pagkasira ng mga ari-arian at hindi inaasahan aftershocks bunsod ng mga pagyanig.
Ang mga pagyanig ay aftershocks ng magnitude 6.2 na lindol noong December 16.