Niyanig ng magnitude 5.3 na lindol ang lalawigan ng Davao Occidental.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 23 kilometers northeast ng bayan ng Sarangani, alas-12:21 umaga ng Miyerkules (December 30).
May lalim na 72 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.
Naitala ang sumusunod na instrumental intensities:
Intensity III – Kiamba, Sarangani
Intensity II – Alabel, Sarangani
Intensity I – Koronadal City, South Cotabatao; Kidapawan City
Walang naitalang pagkasira ng mga ari-arian pero inaasahan aftershocks bunsod ng malakas na pagyanig.
MOST READ
LATEST STORIES