Bus na sangkot sa aksidente sa Lucena, sinuspinde ng LTFRB
Sinuspinde ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ang apat na units ng AB Liner Bus matapos masangkot sa aksidente nuong ika-17 ng Marso ng 2016.
Hindi lalagpas sa 30-araw na tigil-byahe ang ipinataw ng ahensiya sa naturang Bus company matapos masangkot ang isa nitong unit sa aksidente sa Barangay Domoit Lucena City,
Nabangga ng nasabing bus ang isang jeep sa gitna ng Iyam bridge Diversion Road sa Maharlika Highway na nagresulta sa pagkayupi ng jeep at halos pagkahulog sa tulay ng bus.
Nasawi sa aksidente ang kunduktor ng bus at nasugatan ang pitong katao.
Bumibiyahe noon AB Liner Bus na may plate number DWU-555 at minamaneho ni Alberto Jubilo ang southbound ng nabanggit na tulay nang salpukin ang isang Jeep na may kargang coconut lumber.
Ayon kay LTFRB Board Member Ariel Inton Jr., reckless driving na nagresulta sa kamatayan ang dahilan ng banggaan.
Kapag nakitaan aniya nila ng kapabayaan ng operator at hindi mabayaran ang danyos sa mga biktima ay tuluyan na niyang ipakakansela ang prangkisa ng AB liner Bus.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.