Magnitude 4.2 na lindol, yumanig sa Davao Occidental

Tumama ang magnitude 4.2 na lindol sa Davao Occidental, Martes ng gabi.

Sa datos ng Phivolcs, naitala ang sentro ng lindol sa layong 378 kilometers Southeast ng Sarangani.

Tumama ang pagyanig dakong 6:08 ng gabi.

May lalim itong 26 kilometers at tectonic ang origin.

Gayunman, walang napaulat na pinsala sa mga ari-arian sa Sarangani at mga karatig-bayan.

Ayon pa sa Phivolcs, wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...