Pagbubukas ng Brussels Airport, hindi muna itinuloy
Hindi muna magbubukas ngayong araw ang Brussels Airport sa kabila ng mga isinagawang drill matapos ang pag-atake noong March 22.
Ayon kay Airport spokeswoman Anke Fransen, patuloy na pinag-aaralan ng mga otoridad ang resulta ng isinagawang practice run sa paliparan.
Ngayong araw inaasahang makapagpapalabas ng pahayag ang pamunuan ng airport kung kailan gagawin ang reopening.
Sinabi naman ni Arnaud Feist, chief executive ng paliparan na maaring abutin ng buwan bago makabalik sa “full operation” ang Zaventem Airport.
Samantala, mula sa 35 ay muling ibinaba ng pamahalaan ng Brussels ang death toll sa suicide attacks sa 32 katao.
Ayon kay Health Minister Maggie de Block, matapos ang masusuing pag-verify, 32 ang kumpirmadong nasawi.
Mayroon namang 94 mga sugatan ang nananatili sa pagamutan.
Aminado ang pamahalaan na nagkaroon ng kalituhan sa death toll dahil sa magkaibang listahan ng mga nasawi sa lugar na pinangyarihan ng pagsabog at sa mga nasawi sa pagamutan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.