313 katao, nahuling lumabag sa mga ordinansa sa Navotas City

By Angellic Jordan December 29, 2020 - 06:27 PM

Umabot sa 313 ang nahuling lumabag sa ipinatutupad na safety measures at iba’t ibang ordinansa sa Navotas City sa magdamag.

Batay ito sa ulat ng Navotas City police, Task Force Disiplina at mga barangay.

Nahuli ang nasabing bilang ng violators mula 5:00, Lunes ng hapon (December 28), hanggang 5:00, Martes ng hapon (December 29).

Pinakamaraming nahuling lumabag sa curfew na umabot sa 152 kung saan 107 ang adult habang 45 ang menor de edad.

Sumunod dito ang hindi nagsuot o hindi tama ang pagkakasuot ng face mask na umabot sa 115.

Pito naman ang bilang ng mga hindi sumunod sa isa hanggang dalawang metrong physical distancing.

Samantala, 17 ang nahuling walang suot na damit pang-itaas habang anim sa iba pang ordinansa.

TAGS: Inquirer News, navotas, Navotas Police, Radyo Inquirer news, safety guidelines, Inquirer News, navotas, Navotas Police, Radyo Inquirer news, safety guidelines

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.