Sa datos ng Quezon City Health Department, umabot na sa 27,900 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng nakakahawang sakit sa lungsod hanggang 8:00, Martes ng umaga (December 29).
Ang nasabing bilang ng kaso ay na-validate na ng QCESU at district health offices.
Samantala, nasa 1,443 o katumbas ng limang porsyento ang itinuturing na aktibong kaso ng pandemiya.
25,700 o 92 porsyento ang total recoveries sa COVID-19 sa lungsod habang 757 o tatlong porsyento ang nasawi.
Batay pa sa datos, nasa 135,984 ang suspected COVID-19 cases na kabilang na isinagawang contact tracing.
MOST READ
LATEST STORIES