DSWD, may paalala sa kaanak ng mga magbibiyaheng menor de edad
Ngayong panahon na naman ng bakasyon, may paalala ang Department of Social Welfare and Development ang mga batang nag edad 17 taong gulang pababa na magtutungo sa ibang bansa na hindi kasama ang mga magulang.
Ayon sa DSWD, kailangang kumuha ng travel insurance kung ang bata ay magbibiyahe palabas ng bansa na walang kasamang nanay o tatay.
Sinabi ni DSWD Secretary Dinky Soliman, kapag ganitong summer vacation, may mga batang nagbabakasyon sa ibang bansa na kasama lamang ang mga lolo at lola, tiyuhin o tiyahin o iba pang mga kaanak.
Paliwanag ni Soliman, mahalaga na mayroong travel insurance para makaiwas ang mga bata na mabiktima ng human trafficking o iba pang uri ng pang aabuso habang nasa ibang bansa.
Nagkakahalaga lamang ng 300 hanggang 600 ang travel insurance at valid na ito ng isa hanggang dalawang taon.
Ayon kay Soliman, hindi na kailangan ang appearance ng bata sa pagkuha ng travel insurance.
Maari rin aniyang makuha ang travel insurance sa loob lamang ng isang araw basta’t kumpleto ang requirements.
Nabatid na noong nakaraang taon, umabot sa mahigit labing isang libong travel insurance ang na-isyu ng DSWD.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.